Hacienda Villanueva Again

Panahon na naman ng corn harvesting sa Hacienda Villanueva, at since malapit ng i-develop ang area na ito ng Hacienda eh nagpatawag ulit ng harvester ang Itay ni Dondon, kaya kami naman na available na maghaharvest, sugod. Mas marami kami nung unang beses, click mo to: Unang Harvest para may experience ka din ng unang harvest. At ito naman ang pang 2nd season =)

ang balkonahe ng mga Villanueva na palaging tambayan namin pag-nagawi jan
ito din pala ang time na mag-photo op suot ang aming kulay putik na hiking shirt

jan ang huntahang walang humpay, preparation area din pag may hike kami sa Daguldol, dami ng narinig na istorya ng balkonaheng ito =P

photo op muna bago tuluyang lumarga

practice hike na din ang pag-corn harvesting dito sa Hacienda Villanueva, masaya ang nadadaanan, may mga alagang kalabaw, baka, kambing at baboy na nakatali lang usually sa tabi ng bahay o sa may bakuran; CR break din sa kubo nina Britney Spears at Iwa Moto

at ayan na ang harvesters in action and posing =P

photo op din kay Puti, habang hinihintay ang nilalagang mais na ni-harvest namin

at nag-harvest din ng paboritong naispatan sa Hacienda, atis!!!

at ayan, kami din ang unang nag-sampol ng aming ni-harvest, ansarap, actually LUGI ang Itay ni Dondon sa pakain sa mga harvesters na ito, kainaman

at bago bumababa, namahinga muna at ayan tumoma ng kwatro kantos, 
ayun si Sonia! bagsak, sa pagod ba yan o sa lasing?

at ayan ang na-harvest namin

habang nagmemeryenda ulit eh sinabay na din ang birthday greetings kay Chromes

kainan ulit, dito naman kay Marimar (D Original), gotong Batangas for the win

salamat sa mga nag-share ng photos

No comments: