Main event sa travel na 'to ang pagbisita sa Uni ni Tyogon, kaya naman eto na sya, for our 3rd day "Welcome to National Tsing Hua University"
first trip namin na hindi tour, public transport, kahit napaka-efficient ng kanilang public transport, nakakakaba pa din ang pag-byahe kasi lost in translation kami, kaya ayan, mag-pictorial na lang at umasang makakarating kami sa NTHU
at eto na nga, nakarating naman kami sa Uni ni Tyogon at nagiikot na at namamangha sa natural na ganda =) ang relaxing dito
dinalaw din namin ang laboratory ni Tyogon at nagmistulang OJT nya si Thea
ayan, tuloy ang ikot at pictorial, anlawak ng NTHU at ang ganda, both the natural and the art installations
hindi din naman kami nagpatalo sa lugar, mga nag-maganda din naman sa pictorial =)
para syang forest, yung halaman kinakamkam na yung building, at may makikitang squirrel at timbalalak
ayan, dahil blurred ang kuha ko sa front ng campus, eto na ulit sya, we're back sa simula
at ang ending ng tour, kain sa cafeteria ng NTHU at nag-try ng masarap na milk tea at fruit tea ni Coco, ito daw ang sikat dito sa Uni ansabe =P masarap ang fruit tea, infairness, di ako mahilig sa milk tea eh kaya yan ang ni-try ko
Ayun, so pang 3rd day umaga ito, may pang hapon pa at last gala na namin kasi uwian na bukas. Next blog naman ang meeting Shawn and going around Taipei City, mag-Taipei 101 kami for the last day na. Para sa first two blogs, eto ang link in case interested ka: Day 1 and Day 2 thank you for reading =)
No comments:
Post a Comment