Lake Sebu

Second time ko dito sa Lake Sebu, pero di ko na matandaan ang details nung una kong punta, basta ang alam ko kasama sya sa package tour nung nag-attend ako ng Crop Science Convention sa GenSan. So, ito ang mas latest, although 2016 pa ito =P (walang time mag-blog dati eh). Ang Lake Sebu ay parang Caliraya ng Laguna, Pantabangan ng Central Luzon, isa din syang important watershed and source ng irrigation ng province of Sultan Kudarat at South Cotabato (official post ba ito?). Home din sya ng T'Boli tribe kaya nung punta ko dati eh may T'nalak weaving at cultural presentation. At ang pinaka dinarayo sa parteng ito ng SouthCot bukod sa lake mismo ay ang 7 Falls, yan din ang dinayo namin, kaya yan ang makikita mo sa baba, silipin natin =)

we stayed in this beautiful homey Mountain Log Resort, it's a feel of T'Boli living

I love our accommodation, since I love native houses, para akong nasa Damortis, may ganun syang feels. Walang aircon (super lamig naman ng natural aircon eh), walang divider na concrete, just kurtina kaya mabuti na lang 3 lang kaming bisita at kinilala na din namin yung isa pa at naging kasama na din sa pag-gala around the area. This is something good about traveling, you meet new people and eventually you'll become friends. 


explore the lake for 30 pesos, malawak-lawak na sagwanin din sya, kaya mae-exercise ka na, though hindi mo naman kailangang gawin yan, may bangkero naman =P

Welcome to Lake Sebu, nung una kong punta, bakante pa ang lake, like wala syang bahay, yung mga fish pen lang at kung may kubo, yun ay connected dun sa fish pen. I think tilapia ang nakukuha dito na kasing kulay sya ng nakukuha sa Taal lake. Ang bago ay ang naggagandahang mga lotus na andami din sa lake.


ayan, tandem superman ride kami ni Gids

At eto na nga, ang dinayo namin dito, ang makita ang 7 falls, pwedeng mag-trek at pwede ding way ay mag-zip line (actually ito ang best way, kasi merong mga mahirap mapuntahang falls), if I remember it correctly, makikita mo sa zipline ang 4 falls including the main or huge falls. Ito yung mga T'Boli names ng 7 falls: Hikong Alo (passage falls), Hikong Bente (immeasurable falls), Hikong B'Lebel (zigzag falls), Hikong Lowig (booth falls), Hikong K'Fo-I (wildflower falls), Hikong Ukol (short falls) and Hikong Tonok (soil falls). So, base sa pauli-ulit, ang Hikong ay Falls, ang husay!


ito ang 1st leg: 740 meters, 45 minutes at makikita mo si Hikong Bente (2nd falls), Hikong B'Lebed, Hikong Lowig and Hikong K'Fo-I (3rd, 4th and 5th falls)

kuha ito ng camera nila na naka-install strategically kaya magpa-picture ka na din, pero siempre may bayad yan =P kaya dapat picture ready ka palagi kahit pa scared ka =P

pansinin, green na ang kulay namin, may connecting flight kasi ito, the 2nd leg, 420 meters, 30 minutes naman sya

Mga na-Marites ko about this zipline, The Seven Falls Zipline is 740 meters and 460 meters (kaya may pa-change of colors, parang connecting flight nga). It is the country's most quaint (ano yon?), scenic and picturesque zipline. And also it is the highest in Southeast Asia with a stunning height of more than 180 meters. And kahit may fear of whatever ka eh sa ganda naman ng view, ma-green pati, hindi ka mahihimatay =P

after ng zipline we walk down from 2nd leg to see the majestic Hikong Bente up close; at ayan, kasama namin sa picture si Geremy ang aming na-meet sa Mountain Log =)



this one naman, you hike 774 steps to see this Hikong Alo (the 1st falls)
pagod na siguro kami kaya walang photo ng steps =P

tambay na tambay ka gurl ah!


After kumain, balik GenSan na then to home. Pero para lang sa dagdag kaalaman na gusto kong naka-document din sa'king blog. Lake Sebu is the biggest and also the name of the town at may mga kapatid sya, si Lake Siloton, sya ang middle and the smallest one naman ay si Lake Lahit. Matatagpuan ang Lake Sebu sa Allah Valley, Surallah, South Cotabato. It is dubbed as the "summer capital of Southern Mindanao" with a temperature ranging from 20-25 degree celsius. 

Maganda din ang sunset boating and watching dito sa Lake Sebu, kagaya nitong napulot ko sa netverse. Pwede, pagbalik!


Salamat kay Gids for most of the shots
Salamat sa Wikipedia for Lake Sebu informations

No comments: