My Uncharted Path

Naramdaman mo na bang parang na-miss mo ang sarili mo? Ganyan ako nung namimili ako ng mga photos for this blog. Na-miss ko si "MaryangGala", that side of me na gustong galugarin ang lahat ng probinsya ng Pilipinas at dreaming of galugarin din ang buong mundo =)

Madami talagang magagandang lugar sa Pilipinas, at ng marating ko ito, naisip kong ipagdamot sya, sana huwag syang ma-develop para di sya puntahan ng kung sinu-sino lang, lalo na yung mga taong walang pagpapahalaga sa kalikasan. There's just too much beauty that most of the time people tend to destroy. 

Welcome to Lake Holon or Lake Maughan ng Mt. Melibengoy or Mt. Parker. Sometime in June 2016, naligaw ako dito kasama ang aking adventurous friend na si Gids (na hindi na ako sinasama ngayon =P). Parehas kaming may official trip sa GenSan kaya napagkasunduang mag side trip adventure sa Lake Holon at Lake Sebu (ito yun, click mo =P). From GenSan we travel to Koronadal, to Surallah then to T'boli then to Salacafe. 

eto yung community ng T'boli tribe kung saan ka magpapa-register at kukuha ng guide to hike Mt. Parker and to get to Lake Holon

ang ganda nang community, mukhang tahimik at dito palang gusto ko ng mag-stay

then after ng registration, start ng trek dito sa Sitio Kule via Hunter's trail  

hindi easy climb ang Hunter's trail pero dahil social climber naman ako, nagpa-porter ako ng gamit kaya relatively mas easy na for me

at eto ang viewing area sa taas, overlooking lake Holon

after ng aming photo op, need pa naming bumaba

at sumakay ng bangka papunta sa camp area

at eto na sya!



the lake is enchanting, relaxing, kind of scary din pero sobrang ganda at peaceful kahit na marami ng campers, kaya nyang pakalmahin ang lahat ng bisita


Bago umalis, ginalugad at nag-enjoy sa quietness ng lake Holon, sana'y hindi kita nagambala


at dahil nga Prinsesa este social climber ako, ayan sa pagbaba naman ay may dala ng gamit pero naka-sakay sa kabayo =P

at eto, nakihalubilo sa mga T'boli pipz in their beautiful clothes at nakikape at suman gamit ang mga utensils na gawa sa kawayan

Pa-trivia nung ginagawa ko ang IT nito, sabi sa netverse ang Mt. Melibingoy means "to be seen everywhere". This is a sacred mountain. And ang Mt. Parker na tawag sa kanya ay dahil sa American pilot who died in a plane crash while surveying the mountain and he was never found kaya Mt. Parker because his name is Gen. Frank Parker. Ang lake Maughan or lake Holon ay volcano erupted on January 4, 1961, it is a volcanic crater (kagaya ng kapitbahay naming dagatan or alligator's lake at Mt. Pinatubo). Lake Holon is the cleanest lake in the Philippines named after T'boli ancestor Ma Ugan and was officially named Lake Holon in 2002. 

salamat ulit kay Gids for most of the shots

No comments: