Semana Santa sa Famy

Dahil hindi kami uuwing La Union at wala namang lakwatsa si Omar at Otep, sumama kami kay Myla sa pag-uwi nya sa Famy for the holy week break. Pagmasdan sa'ming mga larawan ang pagtambay namin sa Hacienda Rellosa sa Famy, Laguna noong holy week ng 2012. 

Ang tropapipz na-meet ang ilan sa Rellosa fam; si Mama Daisy, Papa Larry at Ate ni Myles na si Lady.



Nagsama-sama ang mga lakwatsero at lakwatsera kaya naman kahit kakadating lang, nag-ikot na 
 


At nang makapag-pahinga ng konti eh lumarga naman sa malapit na ilog, 
ansaya, nakaka-awit ng

"ngumiting, kasama ng hangin
luhang dalo'y ng tubig
sa ilog na 'di naglilihim"

ang aming ride, pang-TODA collection




Bago bumalik sa bahay, binisita na din namin ang taniman ng mais at kung anu-ano pang pananim. Masaya talagang may hacienda, buti na lang meron ang mga friends.

At dahil may mga bisita, curious ang mga chikiting, kaya naman binisita nila kami. Nakipagkulitan sa mga kamag-anak at kapitbahay nina Myles.


Eto ang masaya sa bakasyon, kain, tulog, gala lang talaga!

At dahil Viernes Santo na, bawal gumala kaya nanood kami ng "Hampas" isa itong tradisyon sa Famy, kagaya ng iba pang lugar sa Pilipinas, ganito sila mag-gunita ng Semana Santa. ANSAKIT!

Ansaya, nag-bonfire at ayan, ihaw ng hotdog at marshmallows habang nagkukwentuhan ng mga pang-maalaala mo kayang kwento ng mga buhay-buhay.

Maaga kami kinabukasan kasi part ng lakwatsang ito ang pag-akyat sa Mt. Romelo at pagbisita sa Buruwisan falls, next blog ko sya.

Hacienda nga kasi kaya may pahabol pang activity, calamansi picking, dapat daw naka-boots kasi baka may ahas, scary!!!! Pero di naman halata sa picture na scared sya.


Madami pa kaming ginawa jan, like nagluto si Omar ng paborito nyang manok, sya ang nag-katay ng manok at isang buo syang niluto. Si Omar at Otep ang aming kusinero at hardinero sa byaheng yan, ako naman ang taga-hugas ng pinagkainan. May dance revo time din kami, mahabang nap, basta KAIN, TULOG, GALA ang byaheng yan. Salamat Myles at sa Rellosa Fam sa pag-ampon sa'min sa bakasyong ito. Super enjoy, sana maulit ulit, lalo na now that may resort at place to stay na talaga sa same area na ito. Visit Casa Dorotea- Resort, Campsite and Events Place. Tara na ulit!

No comments: