At dahil Semana Santa nga kami bumisita ng Famy, click mo para makita mo ang ganap namin dun at dahil wala kaming pagtitikang ginawa kahapon na Viernes Santo eh ngayon kami bumawi. Hike sa Mt. Romelo para bisitahin ang Buruwisan falls, at hopefully mapuntahan din yung iba pang falls like Lanzones, Batya-batya, Sampaloc, Sapang-Labo, Binaytuan at Diwata falls. Actually di ko naman alam kung posible ngang marating namin yan, basta ang target makarating sa Buruwisan man lang.
So, ang Mt. Romelo daw ay sa Siniloan, Laguna. Minor climb lang daw ito at 2-3 hours lang. Dahil madami ngang falls ang makikita dito eh tinagurian itong "land of waterfalls".
ayan, nakarating na kami, ay pa-tarp palang pala ni Mayora =P
pa-tarp ulit at ang magandang daan sa entrance papuntang registration
parang mga model ng gatorade ang mga kasama ko oh!
at ayan, naka-register na kami, pwede ng sumabak sa pagtitika
paboritong bagay, my #nakakahappyng duyan =)
at eto na ang campsite, below daw ay Buruwisan falls na, with a brief but steep trail
dahil kapitbahay naman ni Buruwisan si Lanzones falls, eto dinayo na din namin sya, 70 ft naman daw ito, rock climbing naman daw ang trip ng mga dumadalaw dito dahil sa jagged rocks nya na parang ideal for wall climbing, at kaya daw ganyan ang name nito, kasi from August-September lanzones trees abound in the area
oh hindi yan lanzones ha!
No comments:
Post a Comment