I am a preserver of moments and memories! At dahil dyan, let me share cute photos of our 2011 La Union bakasyon. Same as our childhood tradition, every school break, nagbabakasyon kaming magkakapatid sa Damortis at may side trip sa Baguio. Ngayon, mostly Baguio na lang at hindi na kami nakakadaan ng Damortis, ang init kasi talaga don, mas mainit pa dito sa Laguna, hindi kayang mag-stay dun, kaya eto, sa pictures na lang muna.
Masayang bakasyon sa probinsya, kung saan nakaka-try silang maglaro sa mga hindi nila normally nakikita sa bahay, kagaya nyang paragos, nakakakita ng kalabaw, kambing, baka at nakakakita ng taniman ng gulay, tabako at palayan at malawak na taniman ng mangga.
Mga simpleng kaligayan ng mga kulits, mga experiences na they get to share. Sana maaalala nila yan at maging masayang memories na babalikan, kagaya namin noon.
May unlimited access din sa beach pag andito kami, LIBRE lang at kahit every gising or every after dumilim, pwede mag-swimming, ikaw ang magsasawa.
favorite nila talagang kalaro si Lolo, ayan, siksikan sila
After mag-beach, ayan, tambay naman sa bahay ni Amang, manginginain ng kung anu-anong prutas ang meron sa paligid, or mga baong chitchirya. Time din para matulog, para ready ulit sa pagsabak sa anumang maisipang activities for the day. Dagat ba ulit? o bukid?
nanginginain si Nanay ng langka na hinog sa puno, kakakatay lang ni Uncle Andrew
At ayun na nga, ang naisipan nilang gawin ay mamasyal sa bukid, hindi yan sa'min, nakiki-pasyal lang.
At dahil nasa probinsya, hindi din sila nakaka-isip manood ng TV, mas gusto nilang maglaro kahit gabi na. Kaaliw si Buyboy (Coco na ngayon) dito, sya ang favorite na taya kasi bulol sya sa pagsasabi nung Tagu-taguan...eto ang version nya: Tadu-taduan, maliwanag ang buwan, pagkabiyang kong tatyo, nakatago na tayo! Kaya naman, kahit hindi na sya ang taya, sinasabi pa ding ikaw ulit ang taya, payag naman sya.
Maagang nagsigising kasi mag-beach muna ulit bago mag-prepare sa pag-akyat sa Baguio, nasa paanan pala kami ng paakyat ng Baguio (either Kenon or Marcos highway), kaya mabilis lang ding umakyat, at dahil wala kaming matutuluyan sa Baguio (madami kasi kami), balikan lang kami usually, mamamasyal lang dun then baba ulit sa La Union para dito ulit matulog. Bakit noon, hindi naman sya mahirap at kasya pa kami sa 2 sasakyan, although nagko-commute pala ang ibang oldies para comfortable ang mga kulits.
At typically ang pasyal lang naman namin sa Baguio ay ang Burnham Park, nagba-bike lang sila at naglalaro sa Children's Playground. Pag napagod na sila jan, kakain at maya-maya baba na kami ulit. Ang simple lang talaga ng buhay, pero ansaya-saya na nila.
kasama ang overprotective na Papa, kaya ayan si Buyboy, parang bored =P
ayan, nakabawi naman sa laro with Kuya Utoy
napagtripan ang chicharon, pwede na silang mga mowdels
ganun ba talaga kasarap?
At kinabukasan, nakuha pa naming mag-resort, dahil nga sa sobrang init, naghanap kami ng aircon, kaya nag-resort, para syang Pansol pero may dagat =) at kasama na namin ang mga kamag-anak from Baguio, yan din sila usually bumababa sila pag andito kami, isang salu-salo at swimming then akyat na din ulit silang Baguio.
Ang aming mga kulits wala silang sawa talaga, basta may tubig, enjoy na enjoy. Tapos ang lalakas kumain after mag-swimming, after kumain, swimming ulit, ulit-ulit lang yan. Pag napagod, tulog at ayun, magliligalig sa sakit ng katawan, ligalig habang natutulog.
ano kayang iniisip ni Kuya dito? ayaw pang umuwi?
Ansaya balikan ng mga larawan at mabuti na lang masipag kaming manguha ng pictures ni Barok, nung mga panahong willing pa silang mag-pose, nakadami na din naman kami ng shots. These are mementos, precious moments captured. Mabuti na lang!
No comments:
Post a Comment