Byaheng Coron, lumapag ng Boracay via Cebu Pac

Sometime in 2012, I and Yaya Rona wanted to spend our birthdays in Coron, Palawan, nayaya namin si Doc Thess and siempre si Papa Dan. Nag-leave kami, bumili ng pang-snorkel (as in full battle gear), super excited kasi puro first-time sa Coron. So, eto na, delayed daw ang Busuanga flight due to bad weather in Palawan (di ko na matandaan ilang oras) then after a while, nagpa-board na. Sitting pretty na kaming lahat sa plane, antagal na naman dun, hindi pa din lumilipad, pero busy kaming mag-chickahan at excited nga kami di ba? kaya keribels lang ang waiting. Then after forever, nag-announce si Captain of the flight na CANCEL na daw ang flight to Busuanga due to zero visibility. Pinababa kami ng plane at pinapila sa Cebu pacific counter to: 1. rebook our flight, 2. find another destination 3. travel fund for another travel with CebPac. Iniisip namin kung anong options, kasama jan ang excited na kaming mag-beach, bago nga ang snorkel di ba? at sayang naman ang leave kung di kami matutuloy, kaya ang only option to find another destination na may beach at aalis today. Masama na ang loob ni Dan buti na lang ang mga girlalu very positive, sukdulang isuot namin ang full battle gear na pangsnorkle habang nagpapa-change ng destination eh gagawin namin. Eto na nga, ang choices: Ilocos Norte, Caticlan, hindi ko na maalala yung iba pang option na binigay samin. Since first time din nila ang Boracay, Caticlan ang napili. So eto na ulit, nag-announce, delayed daw ang flight to Caticlan, ang tanong na lang namin pero di makaka-cancel, hindi naman daw. Kaya eto, halos buong hapon ng tambay sa NAIA, inabot na ng hapunan, ang bigay lang ng CebPac, noodles, biscuit and bottled water. 

mga tambay na byaherong pa-Coron, napuntang Boracay

salamat sa ayuda ng CebPac, may pang-almusal kami
napaka-generous nyo, almost 1 day na delayed yan ang paayuda nyo, HUSAY!!!!

welcome to Boracay Yaya Rona, Doc Thess, and Dan (2nd-time ko na kasi to)

At dahil wala kaming IT for Boracay, eh come what may lang, kung anong magyayang tour package habang nakatambay kami sa beach area, yun ang papatulan namin. Basta affordable naman din. Eh itong Astoria, may pa-free lunch daw, hala! sakto! noodles palang kinain namin today, bilang first day, patol kami pero usapang "walang maglalabas ng pera, makikikain lang".

ayus, birthday celebration na din, salamat Astoria Boracay

Late din kasi kami gumising at late kumilos kaya hindi na namin ni-opt na mag-tour, nag-walking at photo op na lang kami along the beach at nagpa-gabi na din para mamaximize ang araw, after dinner saka na kami umuwi.


The following day, na-alok kami ng backdoor island hopping, mahangin kasi sa main beach area ng Boracay kaya mahirap din ang mga activities dito. Ayan, magagamit na ang snorkel, halos buong umaga ang activity, may island na pwede mag-paluto ng lunch kaya hanggang lunch kami sa likod ng island.

ayan, masaya na si Dan, nagamit na ang snorkel 

Nung una kong punta dito, wala pang masyadong establishments or structures sa mga bundok areas, ngayon halos malalaking hotels na ang nakalagay sa mga bundok area. Andami na ding speed boat sa backdoor. I guess nag-progress na nga ang Boracay, pero sana kasama sa progress ang pagki-keep and pag-protect din ng nature.

dahil hindi pa weekend kaya siguro solo pa namin ang island na 'to, good thing para mag-photo op habang hinihintay ang palutong lunch

at yan ang aming yummy seafood lunch

Pagbalik namin sa beach front, nag-pictorial ulit at pumunta sa D' Talipapa, amvongga na din nya ngayon, para kang nasa mall sa Makati pero sand ang nilalakaran instead of concrete. Andaming establishments: mga bigtime na bilihan ng clothes, accessories, may mga stalls din for food, drinks, para talagang mall. 

pictorial sa beach front, at ang mga ganap sa napakagandang Boracay beach

ang mga mowdels sa D' Talipapa

Siempre, may nightlife din kami, aba, buhay na buhay kaya ang Boracay kahit sa gabi, ito naman ay parang BGC or mga usual gimikan sa Metro, ganung feels habang nasa harap ka naman ng beach at naririnig ang alon. Although I prefer na wala silang ganyan sana, mas masarap makinig ng alon kesa sa maingay na tugtugan. Anyways, ako lang naman yun, so, kung ano ang trip nila dito, sige, tara na din.

may pa-surprise cake ang mga Doc (kahit wala si Dens, may bakas sa surprise), salamat Docs sa cute na cute na birthday cake namin ni Yaya

Madaming activities to do sa Boracay, may kayaking, boat sailing, kitesurfing na may mga poging instructor =P pero di namin na-try yan, mahal siguro, instead, we tried skimboarding. Ito yung boardsport kung saan gagamit ka ng skimboard and used it to glide across the water's surface to meet an incoming breaking wave and ride it back to shore. Parang surfing pero sa shore lang. Balancing act din sya, mahirap at masakit lumagapak tho tinuturuan naman ng instructor ng tamang pagbagsak. At eto ako, doing my very first skimboarding, enjoy sya!


At dahil last night na namin, rumampa ulit kami at nakipagsabayan sa mga turista ng Boracay, nag-try din kami ng bar na may mga singer, siempre naki-do as the Romans when in Rome =P


And ayun, natapos ang Coron trip este Boracay pala. Photo op ulit sa'ming hotel lobby and siempre, pang-TODA collection ko, model sila =) I'm just glad na happy people itong mga kasama ko, yung tipong anjan na yan eh di i-enjoy na lang. Happy birthday talaga!


No comments: