Marhay na aga! Welcome to Bicolandia! The Land of the Howling Winds!
Hindi masyadong promoted ang tourism sa Bicolandia, siguro kasi mas madalas na ang bisista dito ay ang mga bagyong dumadaan sa Pilipinas. Pero sabi nga "No matter how bad the storm, something beautiful will come out of it" and itong aking feature blog will be a testament to that. So, tara, dagos tabi!
Siguro we took advantage of the Labor-Day-Monday kaya nakagala ang tropang gala ng IRRI at kami ay napadpad dito sa malayo at magandang isla ng Catanduanes noong 29 April- 1 May 2017. Madami ang nailistang pwedeng puntahan pero hindi naman katagalan ang bakasyon kaya eto lang ang nagalugad namin.
ang dalagang magayon as seen while in the ferry
Land travel kami, kaya we opted for a night trip sa RSL bus from Turbina. After an overnight trip, we reached Tabaco Port (in Albay) kung saan sakay naman ng MV Calixta, barko naman papuntang San Andres. Two seaports ang meron dito, one is itong San Andres at yung isa naman ay sa Virac, andun din ang airport. Shortest ferry ride ang sa San Andres, 3-4 hours while Virac is 4-5 hours.
eto naman ang magwi-welcome sa'yo sa port area
After sa ferry, van naman to Puraran, we took the Gigmoto-bound van, jan sa Gigmoto, jan ang lugar ng Tatay ko, pero hindi naman ako kilala ng mga kamag-anak ko jan, kaya wag na muna puntahan =P
we stayed here in Puraran Surf Beach Resort, pero di kami nag-surf
After almost forever hehehe nakarating din sa'ming place to stay for the night.Naka-beach front kami pero di kami nag-beach, gusto lang yung sound ng waves habang kumakain or habang patulog, "Life is a B-E-A-C-H" kasi di ba? At saka ganun talaga, hindi mo talaga na appreciate what you have until it's gone, ano daw? Ang ibig ko lang sabihin, umalis kasi kami para mag-gala kaagad-agad. After naming maka-settle sa resort, we went out to watch the sunset in Balacay Point, yon!
1st stop, Balacay Point
ang tropang gala
Ang ganda di ba? First gala palang yan. So after ng sunset watching, balik resort at nag-dinner ng sinigang na hipon, steamed lobster, grilled fish plus rice at drinks.Nagpa-antok sa tunog ng alon at ayun, tapos ang day 1.
For our second day, sunrise watching naman ang trip at dito yan sa Binurong Point. Para syang Batanes, isang lugar na hinubog at pinaganda ng dumarayong bagyo dito sa Catanduanes.
kahit saang sulok ng Binurong Point, napaka-ganda, magiingat lang at baka ka mahulog sa kanyang ganda =P
St. Joseph the Baptist Church aka "Bato church" in the town of Bato, the oldest church in the province has stood the test of time, and frequent violent typhoons and earthquakes
Maribina Falls, is famous for picnickers and weekenders. It is named after the 2 villages Marinawa (MARI) and Binanwahan (BINA) and is located also in the town of Bato.
sunset watching ulit at Mamangal Beach
At natapos ang mahabang day 2, from sunrise to sundown, from Bato to Virac, dito na din kami nag-stay sa Virac. Dito din sa Virac may kaanak ang isa kong friend, pero wala naman si friend dito kaya sa hostel na lang mag-stay =P
breakfast sa Jollibee at nasa likod ang aking mga ka-TODA
Last day na at ang last gala before umuwi ay dito sa twin rock beach pero di pa din kami nag-swimming. Nanood lang ng mga taong nagsuswimming at nagkaka-kayak sa beach, tumambay for our last day here in Virac. More places to visit pa dito sa Bicol kaya sana makabalik at hopefully sa isang pag-uwi nina Tatay sa Bicol eh makasama at makapunta din ulit dito.
Thank you Gids for most of the shots
No comments:
Post a Comment